Kahit saan tawagin ng tungkulin
Kami'y maaasahang tutugon pa rin
Kahit saan man ang apoy ay lilipulin
Sinumpaan ay aming tutuparin

Kahit kailan inyong maaasahan
Kami'y laging handang apoy ay labanan
Apoy na panganib sa kapaligiran
Apoy na salot sa kaunlaran

CHORUS

Kahit saan, kahit kailan
Handa kami na kayo'y ipaglaban
Ipagtangol ang inyong kinabukasan
Kahit buhay ay ipagsasapalaran

Sa diwa ay mayroong isang pangarap
Sa puso ay mayroong isang hinahangad
Nasa harap ng apoy na nagaalab
Magampanan and tungkulin ng tapat

REPEAT CHORUS 2X
THE BFP HYMN
Press the BACK Button of your browser to return to previous page.